Ang sugal ay talamak saan mang lugar sa Pilipinas, Iligal ito subalit marami ang tumatangkilik sa pagkakataong magkamal ng maliking halaga. Isa sa pinakapopular dito sa pilipinas ang jueteng. Marami ang nahuhumaling sa larong jueteng sapagkat ang karamihan sa tumataya nito ay umaasang mananalo base sa mga kaganapan sa kanyang kapaligiran o sa kanyang panaginip. Tinatawag itong "lurok" halimbawa nakapanaginip ka ng ahas na patay ang lurok ng ahas ay 8 samantalang ang lurok naman ng patay ay 29 samakatuwid and tatayan mo ay 8x29. maliban sa jueteng marami pang sugal ang naglipana sa pilipinas gaya ng sugal sa baraha, sabong, jai alai, karera, masiao, at marami pang iba.
Subalit ano nga ba ang idudulot ng sugal sa tao? mayroon na po bang yumaman sa pagsusugal? anu ang stratehiya para manalo sa sugal? bakit nahuhumaling ang karamihan ng filipino.kailangan bang magsugal?
Para sa iba ang pagsusugal ay libangan lamang, isang pamatay oras kungbaga.pero sa iba ito ay hanapbuhay, isang institusyon, at isang malaking pakinabang para sa mga lider nito.
Ikaw Paano mo tinatrato ang sugal?
No comments:
Post a Comment